Paano Ba Maging Malakas?
3rd Page: Panimula
Victor ang pangalan ko,
“Victory!” sabi ni Inay, aba’y totoo!
Pero bakit ganito? Ba-bakit…
Ako’y laging talo.
Maliit na problema, agad nang hihinto
Kaya sa yakap ni Inay, ako’y magtatago.
4th Page
Ako’y may hinahangaan
Lahat sila ay matibay
Marko, Ma’am Daisy, Kapitan Isagani,
at syempre, si Inay!
Lahat sila ay malakas,
Walang kabiguan, walang kaba.
Paano kaya maging sila?
Ano ba ang sikreto nila?
5th Page
Si Marko! BANG! Sapul agad ang kalaban!
Si Ma’am Daisy, TING! Parang makinang hindi nauubusan ng ideya!
Si Kapitan Isagani, SWOOSH! Kahit ang mga malaking alon ay ‘di siya natitinag!
Si Nanay, WOW! Walang pagod!
Ako kaya? Ay naku…
Takot agad, parang latu!
Hays…
6th Page
Habang naglakad sa aming bayan,
May lumang tindahan—ano kayang laman?
“Ako’y may ibibigay sa iyo.”
AHHH! Sino ‘to?!
Isang Ale—balot na balot,
Sa aking kamay, may iniabot…
ISANG SALAMIN—kumikislap!
“Salamin ng katotohanan.
May aral itong ‘di mo malilimutan.”
Anong katotohanan? Ngunit nang lingunin ko… Nawala siya—oh no!
7th Page
Isinuot ko ang salamin…Ay! Ano ‘to?
Bakit nakikita ko ang kabiguan ng iba?
Si Marko, K.O! Natalo sa laban!
Ang gawa ni Ma’am Daisy—BOOM! Palpak!
Si Kapitan Isagani—BEEP! Hindi mapaandar ang barko!
Si Inay—HUH? Puyat at pagod!
Bakit…bakit sila ay mahina rin?
8th Page
Sa salamin na ito, nakita ko nga,
Ang sikreto sa lakas? Hindi pagsuko, abay!
Hindi sa bigwas, hindi sa sigaw,
Kundi sa pagsubok—paulit-ulit, walang limitasyon!
Dapa? Babangon!
Mali? Ayusin!
Kaya simula ngayon, ako’y susulong,
Dahil ang malakas, hindi basta susuko’t susuong!
9th Page
Kailangan tanggapin, pagkakamali man,
Kahit sumablay, kahit magkamali,
Ako’y babangon, muli at muli!"
Kung sila ay nadapa, pero bumangon,
Ako rin—tatayo, magpapatuloy ngayon!
Talo o panalo, sige lang, go!
Dahil ang tunay na lakas... nasa loob ko!
★★★★★7.1